Project SALAM Bangsamoro, Naglabas ng Mahigpit na Pagbabawal sa Pagsusumite ng Hindi Katanggap-tanggap na Bank Accounts

Naglabas ng Memorandum Order No. 7, Series of 2025 ang Project SALAM Bangsamoro na nagtatakda ng malinaw na pagbabawal sa pagsusumite ng peso, overseas, pensioner, o anumang katulad na bank account para sa pagproseso ng pinansyal na subsidiya ng programa.

Sa ilalim ng bagong kautusan, tanging regular savings account mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) lamang ang tatanggapin. Itinataguyod nito ang mas mabilis, mas sistematiko, at komplikasyon-free na pagproseso ng financial assistance para sa lahat ng benepisyaryo.

Binibigyang-diin ng tanggapan na ang hindi pagsunod sa panuntunang ito ay magreresulta sa pansamantalang suspensiyon ng natatanggap na subsidiya hanggang maitama ang isinubmit na bank details. Layunin nito na maiwasan ang delays, account rejection, at mismong pagbalik ng pondo.

Hinihikayat ang mga benepisyaryo na magsadya sa Project SALAM Bangsamoro Office, 1st Floor, Annex I, Al-Nor Complex, Sinsuat Avenue, Cotabato City, para sa anumang paglilinaw o katanungan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinatibay na mekanismo ng Project SALAM upang maprotektahan ang pondo ng programa at matiyak na ang tulong pinansyal ay direktang makarating sa mga lehitimong benepisyaryo nang walang aberya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020645
Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126