Ginanap ang graduation noong December 4 sa KCC Convention Center. Sa kabuuan, 523 na ang kabuuang graduates ng SPD-B.
Isinagawa ang programa ng DAB katuwang ang UNDP at suportado ng Australian Embassy. Layunin nitong tulungan ang mga dating combatants na maging aktibong bahagi ng lipunan at magsilbi sa kapayapaan at demokrasya.
Ayon kay DAB Executive Director Nasrudin Yusof, ang SPD-B ay naging mahalagang platform para sa paghubog ng mga bagong lider sa Bangsamoro.
Tampok sa seremonya ang kwento ni Sittie Shaima Ambato, dating participant na ngayon ay miyembro na ng PNP.
Bahagi ang SPD-B ng GPH-MILF peace process at ng 12th priority agenda ng Bangsamoro Government para sa mas matatag na justice system at tuloy-tuloy na CAB implementation.








Views Today : 49
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 581
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2165
Views This Year : 18027
Total views : 30162
Leave a Reply