𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐓𝐖𝐆 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑: 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐈𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊, 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐑𝐀𝐍,𝐎 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐓 𝐈-𝐀𝐏𝐎𝐋𝐎𝐆𝐈𝐙𝐄

CAMP DARAPANAN — Iginiit ni Mr. Amier M. Dodo ng MILF TWG–TJR na ang Transitional Justice and Reconciliation (TJR) ay hindi lang tungkol sa mga isyung nasa loob ng Bangsamoro, kundi sa mas malawak na kasaysayan ng Mindanao. Sa programang ginanap sa Camp Darapanan, ipinaliwanag niyang matagal nang naranasan ng Bangsamoro ang pagkawala ng lupa, panunupil, at paglabag sa karapatang pantao.

Tinukoy niya ang land dispossession bilang malaking isyu na nagsimula noong panahon ng mga Amerikano, kung saan idineklara ang mga lupain bilang pag-aari ng estado. Dahil dito, mas maraming settler mula Luzon at Visayas ang nabigyan ng titulo kumpara sa mga Moro at katutubo. Tinawag niya itong “legalized land grabbing.”

Ayon kay Dodo, malinaw ang paninindigan ng MILF: ibalik kung kaya pang ibalik, bayaran kung hindi na kayang ibalik, at humingi ng paumanhin kung hindi na kayang bayaran. Layon ng TJR Roadmap na kilalanin ang nakaraan, ayusin ang sugat ng komunidad, at maiwasan ang pag-ulit ng parehong injustices.

Hinimok niya ang national government na suportahan ang TJR sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na lilikha sa National Transitional Justice and Reconciliation Commission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

020697
Views Today : 90
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3580
Views This Month : 2206
Views This Year : 18068
Total views : 30203