Mariing ipinahayag ni Bangsamoro Education Minister MP Mohagher Iqbal ang kanyang pagtutol sa BTA Parliament Bill No. 47 na naglalayong hatiin ang MBHTE sa apat na magkakahiwalay na ahensya.
Ayon kay Iqbal, ang panukala ay taliwas sa Bangsamoro Organic Law at Bangsamoro Education Code na malinaw na nagtatakda ng isang buo at integradong sistemang pang-edukasyon para sa rehiyon. Binigyang-diin niya na ang kasalukuyang istruktura ng MBHTE ay mahalaga upang masiguro ang tuloy-tuloy, inklusibo, at culturally responsive na edukasyon para sa lahat ng Bangsamoro learners.
Ipinahayag din niya ang pangamba na ang paghahati sa MBHTE ay maaaring magdulot ng kalituhan sa polisiya, paghina ng koordinasyon, at muling paglalagay sa Madaris education sa laylayan ng sistema.
Giit ng Education Minister, ang edukasyon ay sentro ng moral governance at pundasyon ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro. Kaya’t mahalagang mapanatili ang isang pinag-isang pamamahala upang matupad ang adhikain ng rehiyon na walang batang Bangsamoro ang maiiwan.








Views Today : 12
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 1449
Views Last 30 days : 4173
Views This Month : 3896
Views This Year : 26475
Total views : 38610
Leave a Reply