BTA ITINULAK ANG PB NO. 407 PARA SA MAKATARUNGANG DISTRICTING, NANAWAGAN NG AGARANG PAGPASA

Nanindigan ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa pagsusulong ng Parliament Bill No. 407, isang panukalang batas na naglalayong magtatag ng balido at konstitusyonal na districting law sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng kawalan ng bisa sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 77 at 58.

Ayon sa opisyal na pahayag ng BTA, ang paghahain ng PB No. 407 noong Oktubre 28, 2025 ay hindi lamang pagsunod sa utos ng mataas na hukuman kundi isang mahalagang hakbang upang palakasin ang demokratikong pamamahala, isulong ang inclusivity at transparency, at tiyakin ang makatarungang representasyon ng lahat ng mamamayan sa rehiyon.

Layunin ng panukalang batas na paigtingin ang political representation at matiyak ang pantay na alokasyon ng mga yaman at serbisyo sa bawat distrito. Sa pamamagitan ng malinaw na pagtatakda ng mga distritong ibabatay sa pinakabagong datos sa demograpiya at heograpiya, inaasahang magiging mas patas ang halalan at mas magiging makabuluhan ang partisipasyon ng mga komunidad sa proseso ng paggawa ng batas.

Binigyang-diin din ng BTA ang kahalagahan ng agarang pagpasa ng districting law bago matapos ang taon, upang maiwasan ang legal na kalituhan at mapanatili ang integridad ng mga institusyong pampulitika ng Bangsamoro. Dahil dito, nanawagan ang pamunuan ng Parlamento sa kanilang mga kapwa mambabatas na pairalin ang maingat na agdedesisyon at unahin ang kapakanan ng publiko sa pagtalakay at pag-apruba ng panukala.

Kasabay nito, hinikayat ng BTA ang mga lider ng komunidad, civil society organizations, at ang publiko na aktibong bantayan ang proseso ng lehislasyon at tiyaking napapanahon ang pagpasa ng batas na may direktang epekto sa kinabukasan ng rehiyon.
Sa huling bahagi ng pahayag, buong suporta ring ipinahayag ng Bangsamoro Transition Authority sa panawagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa pagsasagawa ng unang Parliamentary Election sa BARMM hindi lalampas sa 2026, bilang mahalagang yugto sa ganap na transisyon patungo sa isang halal, matatag, at tunay na awtonomong pamahalaan sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

020697
Views Today : 90
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3580
Views This Month : 2206
Views This Year : 18068
Total views : 30203