Nilinaw ng Bangsamoro Parliament na wala pang malinaw na probisyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na maaaring ituro bilang batayan sa panukalang paghahati o reorganization ng MBHTE sa ilalim ng BTA Parliament Bill No. 47.
Ayon kay MP Kitem Kadatuan Jr., ang panukala ay nasa committee level pa lamang at hindi pa nagsisimula ang pormal at malalim na talakayan ukol dito. Dahil dito, maaga pa umanong magbigay ng pinal na posisyon o interpretasyon tungkol sa legal na basehan ng panukala.
Binigyang-diin niya na mahalaga ang sapat na diskusyon at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng miyembro ng Parlamento na magkaroon ng malinaw na pag-unawa bago maglabas ng opinyon o desisyon.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply