Noong Disyembre 17, 2025, isinagawa sa Camp Darapanan ang pamamahagi ng Cash-for-Work assistance para sa 1,600 MILF decommissioned combatants. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng Php 10,036 bilang suporta sa kanilang patuloy na pagbabalik sa mapayapang pamumuhay.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng DSWD katuwang ang TFDCC para sa MILF, at dinaluhan ng mga opisyal ng Bangsamoro at pambansang pamahalaan, kabilang si MILF-AHJAG Chairman Anwar Alamada at MP Ali Salik.
Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong-pinansyal at palakasin ang kabuhayan ng mga dating combatants habang patuloy ang pagpapatupad ng normalization sa Bangsamoro. Ipinapakita nito ang matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at mga peace partners upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.







Views Today : 90
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3580
Views This Month : 2206
Views This Year : 18068
Total views : 30203
Leave a Reply