Naghatid ng suporta sa edukasyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa tatlong bayan sa loob lamang ng isang araw sa pamumuno nina Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Ustadz Hisham Nando.
Ipinamahagi ang mga upuan sa mga sumusunod na madrasa: Madrasa Ali Bin Maulana sa Datu Hoffer Ampatuan, Ma’had Rahmanie Al-Arabie Al-Islamie sa Shariff Aguak, at Ma’haf Othman Institute sa Datu Unsay. Layunin ng aktibidad na mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral ng mga mag-aaral at mapalakas ang suporta sa Islamic education.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang simpleng tulong na ito ay bahagi ng mas malawak na adhikain na itaguyod ang edukasyon bilang pundasyon ng maayos na pamayanan at maliwanag na kinabukasan para sa kabataang Bangsamoro








Views Today : 90
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3580
Views This Month : 2206
Views This Year : 18068
Total views : 30203
Leave a Reply