Nanawagan si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste ng masusing transparency at public accountability sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Kongreso, partikular kaugnay ng ₱2 milyong pondo para sa Christmas activities na ipinamahagi sa mga mambabatas.
Ayon kay Leviste, ang kabuuang taunang alokasyon na lampas ₱20 milyon bawat Kongresista—kasama ang sahod at MOOE—ay nangangailangan ng malinaw na paliwanag sa publiko, bilang paggalang sa pondo ng taumbayan.
Binigyang-diin din niya ang biglaang pagtaas ng ₱10.5 bilyon sa budget ng Kongreso, kabilang ang ₱7.8 bilyong pagtaas ng MOOE, na aniya’y hindi dumaan sa sapat na pampublikong diskurso.
Giit ni Leviste, anumang paggalaw ng pondo, lalo na ang kabuuang ₱18.58 bilyong MOOE fund, ay dapat dumaan sa bukas na debate at malinaw na pag-uulat, upang maiwasan ang pagdududa at pang-aabuso.
Bilang simbolo ng kanyang paninindigan, hindi tinanggap ni Leviste ang mga tsekeng inilabas para sa kanyang sahod at MOOE hanggang Oktubre 2025, bilang pagtutol sa mga polisiya sa budget na taliwas umano sa prinsipyo ng transparency at accountability.








Views Today : 11
Views Yesterday : 86
Views Last 7 days : 1440
Views Last 30 days : 4060
Views This Month : 3713
Views This Year : 26292
Total views : 38427
Leave a Reply