𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐍𝐎𝐋𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆, 𝐃𝐄𝐏𝐔𝐓𝐘 𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐄𝐆𝐈𝐂 𝐏𝐋𝐀𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇

Pinangunahan ni Health Minister Dr. Kadil M. Sinolinding, Jr., kasama si Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn M. Abas, ang isang coordination at planning meeting kasama ang mga Division Head, Cluster Head, at Program Manager ng Ministry of Health BARMM.

Layunin ng pulong na itakda ang malinaw na direksiyon at mga prayoridad ng MOH para sa taong 2026, kabilang ang pagpapalakas ng program implementation, mas episyenteng pamamahala, at mas pinaigting na koordinasyon sa loob ng ministeryo.

Binigyang-diin ng pamunuan na ang mga programang pangkalusugan ay dapat nakatuon sa konkretong resulta at tunay na epekto sa kalusugan ng mamamayan ng Bangsamoro, lalo na sa mga liblib at bulnerableng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020719
Views Today : 117
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2233
Views This Year : 18095
Total views : 30230