55 SCHOOLS SA MAGUINDANAO DEL SUR, BENEPISYARYO NG IMPROVE QUALITY EDUCATION PROGRAM

Ipinamahagi ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang learning at resource materials sa 55 elementary at primary schools sa Maguindanao del Sur sa ilalim ng flagship program na Improve Quality Education in the Bangsamoro Land.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong suportahan ang mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kagamitang panturo na makatutulong sa mas epektibong pagtuturo at mas makabuluhang pagkatuto. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga paaralan mula sa iba’t ibang bayan, kabilang ang Shariff Aguak, Datu Unsay, Mamasapano, Talitay, Datu Hoffer Ampatuan, at iba pa.

Patuloy ang MBHTE sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang sistema ng edukasyon sa Bangsamoro, bilang bahagi ng adbokasiya na walang mag-aaral ang maiiwan at bawat kabataan ay mabibigyan ng pagkakataong magtagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020719
Views Today : 117
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2233
Views This Year : 18095
Total views : 30230