Naglabas ng matinding panawagan si Atty. Camilo Miguel Montesa upang itama umano ang mga paglabag sa Bangsamoro peace process na nagdulot ng pagbaba ng tiwala sa pagitan ng MILF at ng pambansang pamahalaan.
Binatikos niya ang hindi umano konsultadong pagpapalit kay Chairman Murad Ebrahim bilang Chief Minister at ang pagkawala ng mayorya ng MILF sa Bangsamoro Transition Authority—mga hakbang na taliwas sa Bangsamoro Organic Law.
Ipinunto rin niya ang kabiguan sa normalization, kung saan libu-libong dating combatants ang nagbaba ng armas ngunit wala pang ganap na nakinabang sa mga programang pangkabuhayan.
Nanawagan si Montesa na ibalik ang MILF-led governance at igalang ang mga kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Bangsamoro.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply