Nagpahayag si MP Mohagher Iqbal ng matibay na pagtutol sa panukalang redistricting bill, iginiit na minadali ang proseso at kulang ang oras para sa masusing deliberasyon.
Ayon sa kanya, bagama’t mahalagang ipaliwanag ang boto sa ganitong sensitibong panukala, pinili niyang igalang ang panawagan ng Speaker na huwag nang pahabain ang paliwanag. Aniya, malinaw na ang kanyang paninindigan—isang matatag na “no.”
Dagdag niya, ang pagmamadali sa pagpasa ng batas ay hindi dapat isakripisyo ang tamang proseso at lalim ng pagtalakay sa isang panukalang may pangmatagalang epekto sa Bangsamoro.







Views Today : 2
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 663
Views Last 30 days : 3621
Views This Month : 2247
Views This Year : 18109
Total views : 30244
Leave a Reply