𝐌𝐏 𝐄𝐒𝐌𝐀𝐄𝐋: 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐔𝐃𝐀, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐌𝐀𝐆𝐈𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐋𝐈𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀”

Nagpahayag si MP Suharto Esmael ng pagtutol sa panukalang redistricting bill sa Bangsamoro Parliament, iginiit na nananatiling may seryosong usaping konstitusyonal at legal ang panukala.

Ayon sa kanya, ang redistricting ay usapin ng tiwala at patas na representasyon, hindi lamang simpleng pagbibilang ng distrito. Binigyang-diin niya na ang mga desisyong ginagawa ng Parlamento ay may pangmatagalang epekto sa kinabukasan ng Bangsamoro.

Dahil sa mga hindi pa rin malinaw na isyung legal at sa kanyang pananagutang moral sa taumbayan, bumoto siya ng “no” sa panukala at nanawagan na pairalin ang batas, katarungan, at tamang proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020728
Views Today : 2
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 663
Views Last 30 days : 3621
Views This Month : 2247
Views This Year : 18109
Total views : 30244