𝐌𝐏 𝐀𝐁𝐃𝐔𝐋𝐖𝐀𝐇𝐀𝐁 𝐏𝐀𝐊 𝐁𝐔𝐌𝐎𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐍𝐎 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐋 𝟒𝟏𝟓, 𝐍𝐀𝐍𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐔𝐊𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐋𝐅

Ilang mambabatas ng Bangsamoro Parliament, kabilang si MP Abdulwahab Pak, ang bumoto ng no sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Parliament Bill No. 415 o Bangsamoro Parliamentary Districts Act of 2026.

Sa special session noong Enero 12, naipasa ang panukala sa botong 48–19, may apat na abstention. Itinatakda ng batas ang pinal na distribusyon ng 32 parliamentary districts sa Bangsamoro.

Ipinaliwanag ni MP Pak na ang kanyang pagtutol ay nakabatay sa kanyang matibay na suporta sa panukala ng MILF sa ilalim ng Bill 407, na bagama’t kapareho ang bilang ng distrito, ay may ibang clustering ng mga munisipalidad na sa kanyang pananaw ay mas angkop sa interes ng organisasyon at ng mga komunidad na kinakatawan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256