𝐌𝐏 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐌𝐀-𝐀𝐋𝐁𝐀 𝐁𝐔𝐌𝐎𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐍𝐎: “𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐏𝐑𝐄𝐒𝐄𝐍𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐈𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀𝐁𝐈”

Bumoto ng “no” si MP Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba sa redistricting bill matapos igiit ang mga prinsipyong pantay na representasyon, katarungan, at konsistensiya.

Ayon sa mambabatas, ang redistricting ay dapat maging patas sa lahat ng lalawigan at sektor, at katanggap-tanggap sa mga direktang apektadong komunidad. Binigyang-diin niya na ang katarungan ay hindi lamang legal na usapin kundi isang mahalagang aral sa Islam.

Dagdag pa niya, dapat manaig ang pangkalahatang interes ng Bangsamoro kaysa sa pansarili o grupong kapakanan. Dahil dito, at bilang patuloy na tagasuporta ng Bill 407, nanindigan si MP Dumama-Alba sa kanyang “no” vote sa panukalang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256