Isang 34-anyos na lalaki ang inaresto sa isang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng pulisya noong Enero 25, 2026 bandang alas-9:50 ng gabi sa Cotabato City, partikular sa Purok Manuel, Barangay MB Bagua.
Kinilala ang naarestong suspek na alyas “Johnny”, walang trabaho at residente ng nasabing lugar. Ang operasyon ay isinagawa matapos ang validated report hinggil sa umano’y pagbebenta ng iligal na droga ng suspek.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang operasyon ay pinangunahan ng SDET personnel sa pamumuno ni Police Major Albert P. Carillo, katuwang ang Cotabato City Police Office (CCPO) CPDEU, at isinagawa sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency BAR (PDEA-BAR)
Matagumpay na nakabili ang isang pulis na umaktong poseur buyer ng dalawang piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang bigat na 0.10 gramo at may standard drug price na ₱680.00. Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang suspek








Views Today : 99
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 677
Views Last 30 days : 3626
Views This Month : 2344
Views This Year : 18206
Total views : 30341
Leave a Reply