𝟔𝟎+ 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐖𝐈-𝐓𝐀𝐖𝐈 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋𝐒 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄

Patuloy na pinapalakas ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang kalidad ng basic education sa Bangsamoro matapos nitong mamahagi ng learning materials sa Schools Division Office ng Tawi-Tawi sa ilalim ng flagship program nitong Project Improving Quality Basic Education in the Bangsamoro (IQBAL).

Sa nasabing pamamahagi, mahigit animnapung (60) pampubliko at primaryang paaralan mula sa iba’t ibang bayan sa Tawi-Tawi ang tumanggap ng mga kagamitang panturo na layong suportahan ang mga guro at mag-aaral, lalo na sa mga liblib at geographically isolated areas ng lalawigan. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga elementarya, primary schools, at national high schools, pati na rin ang mga specialized institutions gaya ng Tawi-Tawi School of Fisheries at Boloboc Science and Technology High School.

Ayon sa MBHTE, bahagi ito ng mas malawak na layunin ng Project IQBAL na tiyaking may sapat, angkop, at de-kalidad na learning resources ang mga paaralan sa Bangsamoro upang mapabuti ang learning outcomes at mabawasan ang education gap sa mga malalayong komunidad.

Binigyang-diin ng kagawaran na ang pamamahagi ng learning materials ay hindi lamang logistical support, kundi isang konkretong hakbang sa pagpapatupad ng inclusive at equitable education system, kung saan walang mag-aaral ang naiiwan dahil sa kakulangan ng pasilidad o kagamitang panturo.

Sa patuloy na implementasyon ng Project IQBAL, muling pinagtitibay ng MBHTE ang paninindigan ng Bangsamoro Government na ang edukasyon ang pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan, kaunlaran, at paghubog ng susunod na henerasyon ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025677
Views Today : 159
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 1084
Views Last 30 days : 3710
Views This Month : 2432
Views This Year : 25011
Total views : 37146