𝐒𝐀𝐕𝐄 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐌𝐎𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐔𝐌𝐔𝐋𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐏𝐑𝐄𝐌𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐓 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐏𝐏𝐎𝐈𝐍𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐆 𝐁𝐓𝐀

Dumulog sa Supreme Court of the Philippines ang Save Bangsamoro Movement, isang grupong nakabase sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), upang kuwestiyunin ang pagkaka-appoint ng pitong (7) miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na umano’y hindi kabilang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa grupo, ang naturang mga appointment ay labag sa umiiral na batas, partikular sa Article XVI, Section 2 ng Bangsamoro Organic Law, na malinaw na nagtatakda na ang komposisyon ng BTA ay dapat mas binubuo ng mga kinatawan mula sa MILF, bilang pangunahing katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng peace agreement at sa pagsasaayos ng pamahalaang Bangsamoro sa panahon ng transisyon.

Iginiit ng Save Bangsamoro Movement na ang paglihis sa itinakdang balanse ng representasyon ay hindi lamang teknikal na usapin, kundi may malalim na implikasyon sa kredibilidad, legalidad, at lehitimasyon ng transisyonal na pamahalaan ng BARMM. Anila, ang BTA ay nilikha bilang mekanismo ng implementasyon ng kasunduang pangkapayapaan, kaya’t ang pagsunod sa probisyon ng Bangsamoro Organic Law ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at ng mga sektor na naging bahagi ng peace process.

Sa pamamagitan ng pagdulog sa Korte Suprema, hiniling ng grupo na suriin at linawin ang konstitusyonal at legal na batayan ng naturang mga appointment, at tiyaking ang espiritu at letra ng Bangsamoro Organic Law ay ganap na naipatutupad sa pamamahala ng BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020813
Views Today : 130
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 708
Views Last 30 days : 3657
Views This Month : 2375
Views This Year : 18237
Total views : 30372