𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌𝐈𝐂 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐈 𝐌𝐏 𝐈𝐐𝐁𝐀𝐋 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐃𝐑𝐀𝐒𝐀𝐇

Patuloy na pinagtitibay ng Office of Member of Parliament Mohagher M. Iqbal ang suporta nito sa edukasyon matapos mamahagi ng school kits sa 381 mag-aaral ng Traditional Madrasah sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Enero 30, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ni Ustadz Abdulhadi Daguit, Legislative Staff Officer IV, bilang kinatawan ng tanggapan ni MP Iqbal. Layunin ng inisyatiba na tugunan ang kakulangan sa learning materials ng mga mag-aaral sa madrasah at isulong ang pantay na akses sa edukasyong panrelihiyon at akademiko, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 210 mag-aaral ng Mahad Mabadie Al Arabie Al Islamie at 171 mag-aaral mula sa Bugawas Islamic Institute Inc..

“Bagama’t maliit ang tulong na ito, umaasa kami na kahit papaano ay mabawasan ang pasanin ng inyong mga magulang at mapadali ang inyong pag-aaral,” pahayag ni Ustadz Daguit sa ngalan ni MP Iqbal.

Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral at administrador ng madrasah, na binigyang-diin ang positibong epekto ng naturang tulong sa pang-araw-araw na pagkatuto ng mga bata at sa patuloy na pagpapatatag ng Islamic education system sa rehiyon.

Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na adbokasiya ni MP Iqbal na palakasin ang edukasyon bilang pundasyon ng kapayapaan, kaalaman, at moral na pamumuno sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025454
Views Today : 129
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 975
Views Last 30 days : 3734
Views This Month : 2076
Views This Year : 24655
Total views : 36790