Nagpatayo ng karagdagang 40 modular tents ang Ministry of Social Services and Development Tawi-Tawi Provincial Office sa bagong bukas na evacuation site sa loob ng compound ng Datu Halun Sakilan Memorial Hospital, na matatagpuan sa Barangay Lamion, noong Pebrero 6, 2026.
Ang hakbang ay bahagi ng agarang pagtugon ng pamahalaan upang matiyak ang ligtas at maayos na pansamantalang tirahan ng mga apektadong pamilya. Sa kabuuan, 45 pamilya na binubuo ng humigit-kumulang 200 indibidwal mula sa Amilbahar evacuation site ang inilipat at nakinabang sa bagong pasilidad.
Ang bagong evacuation site ay pinangangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office, na nagsisiguro na may sapat na koordinasyon sa serbisyong pangkalusugan, sanitasyon, at pangkalahatang kaligtasan ng mga evacuees, lalo na’t ito ay nasa loob ng hospital compound.
Binigyang-diin ng MSSD na ang mabilis na paglalagay ng modular tents ay nagpapakita ng patuloy na pagtutok ng Bangsamoro Government sa maagap, organisado, at makataong disaster response, partikular sa mga komunidad na naapektuhan ng krisis at nangangailangan ng agarang tulong at proteksyon.








Views Today : 130
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 708
Views Last 30 days : 3657
Views This Month : 2375
Views This Year : 18237
Total views : 30372
Leave a Reply