Sugatan ang sampung (10) katao matapos ang isang Road Crash Incident (RIR) na kinasasangkutan ng pitong (7) personnel ng 2nd PMFC, Misamis Occidental Police Provincial Office at tatlong (3) empleyado ng Provincial Tourism Office bandang 12:20 ng tanghali noong Pebrero 13, 2025 sa Barangay Napangan, Don Victoriano.
Batay sa inisyal na ulat, sakay ang mga biktima ng isang PNP Mobile Patrol vehicle na nagsasagawa ng security convoy para sa mga organizer ng Binibining Pilipinas nang maganap ang insidente.
Habang binabagtas ang isang matarik at pababang kurbada ng kalsada sa naturang barangay, nakaranas umano ng kahirapan sa pagmamaniobra ang patrol vehicle. Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang driver dahilan upang mawalan ng direksyon ang sasakyan at tuluyang mahulog sa bangin sa gilid ng kalsada.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad at dinala ang mga sugatan sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente, kabilang ang kondisyon ng sasakyan at lagay ng kalsada sa oras ng aksidente.








Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346
Leave a Reply