Nagbigay ng matapang at kontrobersyal na pahayag si Abdulraof Macacua, Interim Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa ginanap na Istiqbal Ramadhan, kung saan tahasan niyang ipinahiwatig na may mga opisyal na posibleng tanggalin sa puwesto matapos ang banal na buwan ng Ramadhan.
Sa kanyang mensahe, Isa sa mga naging ugat nito ay ang kanyang pagkakatalaga bilang Chief Minister, gayundin ang appointment ng anim (6) miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ay kasalukuyang kinukwestyon sa Supreme Court of the Philippine. ang isyu ay nakatuon sa validity ng appointment, partikular sa alegasyong ang mga naturang pangalan ay wala sa opisyal na listahan at hindi dumaan sa itinakdang proseso ng pagpili ng MILF Central Committee.
Bagama’t wala siyang pinangalanang indibidwal, nagbigay siya ng malinaw na babala na kung hindi siya matatanggal sa kanyang posisyon matapos ang Ramadhan, siya mismo ang kikilos upang tanggalin ang mga itinuturing niyang may pananagutan sa loob ng sistema. Aniya, ang kanyang pananahimik sa kasalukuyan ay bunga ng paggalang sa sagradong buwan, hindi ng kawalan ng kapangyarihan o determinasyon.
“May responsibilidad akong gampanan. Hindi pwedeng hindi ako kikilos,” pahayag ni Macacua, kasabay ng pagbibigay-diin na ang pamumuno ay hindi maaaring manatiling pasibo lalo na kung may mga isyung umaapekto sa kaayusan at pamamahala ng rehiyon.
Sa ngayon, nananatiling bukas ang tanong kung paano tutugunan ng Korte Suprema ang mga kinukwestyong appointment—at kung anong magiging epekto nito sa pamumuno at direksyon ng BARMM sa mga susunod na buwan.








Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346
Leave a Reply