Pormal na nag-waive ng kanyang karapatang dumalo sa nakatakdang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso mula Pebrero 23–27, 2026 si Rodrigo Roa Duterte, ayon sa isang nakasulat na pahayag mula sa ICC Detention Centre.
Sa kanyang liham, sinabi ni Duterte na lubos niyang nauunawaan ang implikasyon ng pag-waive sa kanyang pagdalo at ipinaubaya niya sa kanyang legal team ang paghamon sa sufficiency ng ebidensya ng prosekusyon. Nilinaw din niyang hindi niya nais sundan ang mga pagdinig kahit sa pamamagitan ng communications technology.
Mariin din niyang iginiit na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang katauhan. Ayon sa kanya, siya ay isang Pilipinong mamamayan na umano’y “forcibly pushed into a jet” at dinala sa The Hague, bagay na aniya’y labag sa Konstitusyon at soberanya ng Pilipinas.
Tinawag din ng dating Pangulo na “outrageous lie” ang alegasyon na siya ay may polisiya ng extra-judicial killings, at iginiit na ang mga paratang ay matagal nang ipinupukol ng kanyang mga kritiko.
Sa bahagi ng kanyang pahayag, binanggit ni Duterte ang kanyang kalagayan—“old, tired, and frail”—at sinabing tinatanggap na niya ang posibilidad na mamatay sa loob ng kulungan. Gayunman, iginiit niyang mananatili ang kanyang puso at kaluluwa sa Pilipinas at ipinahayag ang pagmamalaki sa kanyang naging serbisyo sa bansa.
Ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso ay bahagi ng proseso ng ICC upang tukuyin kung may sapat na batayan ang mga isinampang reklamo laban sa kanya.







Views Today : 94
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 672
Views Last 30 days : 3621
Views This Month : 2339
Views This Year : 18201
Total views : 30336
Leave a Reply