𝐌𝐈𝐋𝐅-𝐀𝐇𝐉𝐀𝐆 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐃𝐋 𝐀𝐏𝐏𝐋𝐈𝐂𝐀𝐍𝐓𝐒: 𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐈𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐌𝐀𝐑𝐒𝐎 𝟒

Opisyal na inanunsyo ng MILF-Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG), sa pamumuno ni Anwar S. Alamada, na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nangangailangan ng MILF Membership Certification bilang bahagi ng kanilang aplikasyon sa Amnesty Program.

Ang panawagan ay para sa lahat ng MILF amnesty applicants—kapwa at-large at Persons Deprived of Liberty (PDLs)—lalo na sa mga kulang pa ang dokumento. Hinikayat din ang mga pamilya at kamag-anak ng mga PDL applicants na makipag-ugnayan upang matiyak ang kompletong pagsumite ng requirements.

Ayon sa MILF-AHJAG, magkakaroon ng mass filing ng amnesty applications sa Pebrero 25–26, 2026 na gaganapin sa Mamasapano at sa Camp Darapanan, bilang paghahanda bago ang itinakdang deadline ng Amnesty Program sa Marso 4, 2026.

Layunin ng hakbang na ito na mapabilis ang proseso ng aplikasyon at matulungan ang mga kasapi na makumpleto ang kanilang papeles bilang bahagi ng normalization at reintegration track sa ilalim ng peace process.

Nanawagan ang MILF-AHJAG sa lahat ng nangangailangan ng sertipikasyon na agad makipag-ugnayan upang hindi maantala ang kanilang aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020784
Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328