PAGGAMIT NG β€˜MUSLIM’ SA SUSPEK, BINATIKOS NG BANGSAMORO GOV’T

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Bangsamoro Government sa pangunguna ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua kaugnay ng umano’y hindi responsableng paggamit ng salitang β€œMuslim” sa pagtukoy sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpaslang kay Jonafa Infante, isang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Puerto Princesa International Airport.

Sa inilabas na statement, ipinahayag ng pamahalaang Bangsamoro ang matinding pag-aalala sa paggamit ng relihiyosong pagkakakilanlan sa isang kasong kriminal kung saan hindi ito mahalagang detalye sa isyu. Binigyang-diin ng pamahalaan na ang ganitong pagbanggit ay maaaring magpalakas ng mapanganib na stereotype at diskriminasyon laban sa buong komunidad.

Tinukoy rin sa pahayag si Ramon Tulfo, na umano’y gumamit ng naturang termino sa kanyang post. Ayon sa Bangsamoro Government, bilang isang beteranong mamamahayag, inaasahang susunod ito sa mga prinsipyo ng ethical at responsible journalism.

Gayunman, nilinaw ng pamahalaan na ang kanilang pahayag ay hindi paglihis sa pangunahing usapin β€” ang paghahanap ng hustisya para sa biktima. Mariing iginiit ng Bangsamoro Government na kaisa sila sa panawagan na papanagutin ang mga responsable sa krimen alinsunod sa batas.

Binigyang-diin din na ang paghahangad ng hustisya ay hindi dapat magdulot ng pagkakahati-hati o diskriminasyon. Sa isang bansang may iba’t ibang pananampalataya at kultura, mahalagang ang wika at pamamahayag ay magtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020784
Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328