Naghain si Imee R. Marcos ng P.S. Resolution No. 317 na nag-uutos sa naaangkop na komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon, in aid of legislation, kaugnay ng umano’y money delivery scheme na kinasasangkutan ng mga dating military personnel na nagtrabaho kay dating Congressman Zaldy Co, at ang naiulat na pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC).
Batay sa resolusyon na inihain sa unang regular na sesyon ng Ika-20 Kongreso, binigyang-diin ang mga probisyon ng 1987 Constitution hinggil sa pambansang soberanya, integridad sa serbisyo publiko, transparency, at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.
Nabanggit sa resolusyon ang isang press conference noong Pebrero 24, 2026 kung saan tinalakay ang pinagsamang affidavit ng ilang indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps at Philippine Army. Ayon sa dokumento, inilahad umano ng mga affiant ang kanilang karanasan sa pagdedeliver ng mga maleta na naglalaman umano ng pera sa iba’t ibang indibidwal, batay sa utos ng kanilang employer.
Ang resolusyon ay hindi pa isang hatol o pinal na konklusyon, kundi isang hakbang upang siyasatin ang mga alegasyon at matukoy kung may kinakailangang batas o polisiya na dapat amyendahan o ipatupad upang mapanatili ang integridad ng pamahalaan at protektahan ang pambansang interes.
Sa paghahain ng resolusyon, binigyang-diin ni Senador Marcos ang kahalagahan ng masusing pag-aaral sa mga isyung may kinalaman sa graft, transparency, at foreign policy considerations, upang matiyak na ang anumang aksyon ng pamahalaan ay naaayon sa Konstitusyon at sa interes ng sambayanan.







Views Today : 80
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2325
Views This Year : 18187
Total views : 30322
Leave a Reply