Sa gitna ng banal na buwan ng Ramadhan, mas pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Serbisyong May Puso sa pamamagitan ng patuloy na pamamahagi ng mga hadiya sa bayan ng Datu Saudi-Ampatuan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, ang inisyatibong BARAKAH NU RAMADHAN ay naghatid ng tulong na puno ng malasakit, pag-asa, at pagkakaisa sa mga pamilyang nangangailangan. Bawat pamamahagi ay hindi lamang simpleng ayuda, kundi simbolo ng sama-samang pananalig at pagdamay sa isa’t isa ngayong panahon ng pag-aayuno at pagninilay.
Ayon sa pamahalaan, bahagi ito ng kabuuang 24,000 hadiya na inilaan upang maipamahagi sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan—isang malinaw na patunay na tuloy-tuloy at inklusibo ang paghahatid ng serbisyo sa bawat komunidad.
Sa bawat tahanang naaabot ng programa, may kasamang ngiti at panalangin para sa kapayapaan at patuloy na biyaya. Sa simpleng pag-abot ng tulong, mas tumitibay ang mensahe na ang tunay na pamumuno ay may puso, at ang tunay na Ramadhan ay isinasabuhay sa pagbabahagi at malasakit.







Views Today : 80
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2325
Views This Year : 18187
Total views : 30322
Leave a Reply