Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nagre-reset ng unang Parliamentary Elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na itinakda ngayong darating na Setyembre.
Sa isang Facebook post, inihayag ni Sen. Miguel Zubiri ang pasasalamat sa kanyang mga kasamahang senador na nagpahayag ng buong suporta sa panukala. Kabilang sa kanyang pinasalamatan sina Senator Jinggoy Estrada, Imee Marcos, JV Ejercito, Robin Padilla, Loren Legarda, Erwin Tulfo, Bong Go, Win Gatchalian, Joel Villanueva, at Panfilo Lacson na nagmungkahi ng amendment upang higit pang patatagin ang panukala at tiyaking naaayon ito sa Saligang Batas.
Ayon kay Sen. Zubiri, layunin ng panukala na matiyak ang pagtuloy ng halalan upang tuluyan nang ma-enjoy ng mga taga-Bangsamoro ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider sa ilalim ng sariling rehiyonal na pamahalaan.
Ang pagpasa ng panukala sa ikatlong pagbasa ay itinuturing na mahalagang hakbang sa demokratikong transisyon ng BARMM, lalo’t matagal nang hinihintay ng rehiyon ang unang regular na halalan sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law.








Views Today : 141
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 786
Views Last 30 days : 3659
Views This Month : 1621
Views This Year : 24200
Total views : 36335
Leave a Reply