Isang seryosong panawagan ang inilabas ng grupong Salam Ibadah Friendly matapos ipahayag na halos puno na ang mga Muslim cemetery sa Metro Manila at karatig lugar—isang sitwasyong nagdudulot ng pangamba sa komunidad ng mga Muslim pagdating sa paglilibing ng kanilang mga yumao.
Ayon sa ulat, wala nang bakanteng espasyo sa pambabaeng libingan ng Manila Islamic Cemetery. Samantala, halos mapuno na rin ang Himlayang Liwanag ng Kapayapaan Muslim Cemetery at ang Maharlika Muslim Cemetery, na matagal nang nagsisilbing pangunahing lugar ng paglilibing para sa mga Muslim sa National Capital Region.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa mga opisyal ng pamahalaan—kabilang ang mga lider mula sa BARMM, mga kongresista, senador, mayor, at ang National Commission on Muslim Filipinos—na tumulong sa paghahanap o pagdo-donate ng lupa upang madagdagan ang mga Muslim cemetery.
Iminungkahi rin na maaaring tularan ang disenyo at pasilidad ng Manila Islamic Cemetery, kabilang ang maayos na janazah area at prayer space, upang matiyak na ang mga Muslim ay maililibing alinsunod sa kanilang relihiyosong tradisyon.
Ang Salam Ibadah Friendly ay isang people-driven Muslim initiative na naglalayong tumulong sa mga pamilyang nahihirapang magpalibing ng kanilang mga mahal sa buhay. Umaasa ang grupo na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon at pakikipagtulungan ng komunidad, makakahanap ng agarang solusyon sa lumalalang kakulangan ng libingan para sa mga Muslim sa NCR.








Views Today : 40
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 685
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1520
Views This Year : 24099
Total views : 36234
Leave a Reply