Nag-anunsyo si Ferdinand Marcos Jr. na ipatutupad ng mga ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Department ang four-day work week simula Marso 9, bilang paghahanda sa inaasahang posibleng pagkaantala ng oil supply dulot ng umiinit na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagtitipid ng enerhiya at mapagaan ang epekto ng posibleng kakulangan sa suplay ng langis.
Kasabay nito, pansamantala ring ipinagbawal ang mga hindi kinakailangang biyahe ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga study tour, team-building activities, at iba pang meeting na maaari namang isagawa sa pamamagitan ng online platforms.
Hinimok ng Malacañang ang mga tanggapan ng pamahalaan na gamitin ang digital meetings at remote coordination upang mapanatili ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko habang ipinatutupad ang mga hakbang na ito.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply