𝟏𝟖𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐒 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐑𝐀𝐌𝐀𝐃𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓

Panibagong komunidad na naman ang naabot ng Ramadhan Mobile Free Market ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) matapos itong isagawa sa Barangay Mangadeg kung saan humigit-kumulang 180 pamilyang Muslim ang nakatanggap ng free market goods.

Isinagawa ang aktibidad katuwang ang Office of the Vice Governor ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Hisham S. Nando, bilang suporta sa mga pamilyang nag-aayuno sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.

Ang Ramadhan Mobile Free Market ay inisyatiba ng UBJP na naglalayong dalhin ang konsepto ng “padiyan” o pamilihan sa mga komunidad na malayo sa mga merkado at nahihirapang makabili ng pagkain para sa kanilang hapag-kainan sa panahon ng Ramadhan.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naihahatid ang tulong at malasakit sa mga komunidad, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na suporta habang ginugunita ang diwa ng pagbabahagi at pagkakaisa ngayong Ramadhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256