Isang makabuluhan at espiritwal na gabi ng pagkakaisa ang muling nasaksihan sa ginanap na Barakah nu Ramadhan Community Night, kung saan nagtipon ang mga residente upang pagnilayan ang mahahalagang aral ng Islam sa pamamagitan ng makabuluhang film screening ng “The Life of Prophet Muhammad.”
Sa naturang programa, muling pinaalalahanan ang komunidad tungkol sa tunay na diwa ng pagpapatawad, malasakit, at pagkakaisa na siyang pundasyon ng pananampalatayang Islam, lalo na ngayong banal na buwan ng Ramadhan. Naging pagkakataon din ang gabi upang palalimin ang kaalaman ng mga dumalo tungkol sa buhay at halimbawa ng Propeta Muhammad (SAW), na patuloy na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Muslim.
Bukod sa espiritwal na pagninilay, nagbigay din ng saya at pag-asa ang Barakah nu Ramadhan Raffle, kung saan maraming dumalo ang nag-uwi ng iba’t ibang papremyo tulad ng grocery packages, home appliances, at ang pinakahihintay na grand prize na FREE UMRAH, isang pambihirang pagkakataon na makapunta sa Banal na Lupain.
Sa kabila ng kasiyahan at mga biyayang ipinamahagi, nananatiling malinaw ang mensahe ng programa—ang Ramadhan ay panahon ng pananampalataya, pagkakaisa, at patuloy na paggawa ng kabutihan. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, lalo pang napapalakas ang ugnayan ng komunidad habang sabay-sabay na pinapalalim ang kanilang pananalig at pananalangin para sa kapayapaan at biyaya.









Views Today : 109
Views Yesterday : 103
Views Last 7 days : 855
Views Last 30 days : 3499
Views This Month : 1313
Views This Year : 23892
Total views : 36027
Leave a Reply