𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐆𝐎𝐕’𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐔𝐑-𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐖𝐄𝐄𝐊 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍

Naglabas ng bagong alituntunin ang Bangsamoro Transition Authority Parliament para sa pagpapatupad ng four-day workweek sa mga tanggapan ng Bangsamoro Government bilang bahagi ng hakbang upang makatipid sa enerhiya, mapababa ang operational costs, at mapanatili ang episyenteng serbisyo publiko.

Batay sa Memorandum Circular na inilabas noong Marso 5, 2026, ang patakaran ay ipatutupad sa lahat ng ministries, offices, agencies, at instrumentalities ng Bangsamoro Government alinsunod sa direktiba ng Office of the President of the Philippines na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng flexible work arrangements upang makatulong sa energy conservation at sa epekto ng tumataas na gastos sa enerhiya.

Sa ilalim ng bagong polisiya, ang mga kawani ng Bangsamoro Government ay inaasahang kumpletuhin ang 40 oras na trabaho kada linggo sa loob ng apat na araw, sa pamamagitan ng compressed workweek arrangement. Layunin nitong mapanatili ang produktibidad habang binibigyan din ng mas maayos na work-life balance ang mga empleyado.

Sa panahon naman ng Ramadan, hinihikayat ang mga tanggapan na magpatupad ng flexible arrangements tulad ng work-from-home setup, adjusted working hours, at staggered schedules upang masuportahan ang kaligtasan at produktibidad ng mga Muslim employees habang nagpapatuloy ang serbisyo publiko.

Naglatag din ng mga energy conservation measures ang circular, kabilang ang pagpapanatili ng air-conditioning sa 24°C pataas, pagpatay ng ilaw at kagamitan kapag hindi ginagamit, at pagbawas ng hindi kinakailangang official travel.

Ayon sa memorandum, mananatiling prayoridad ang non-interruption ng government services, kaya inaasahan ang mga heads of offices na magpatupad ng rotation systems, staggered schedules, at iba pang mekanismo upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa publiko.

Ang nasabing circular ay inilabas sa awtoridad ng Chief Minister ng Bangsamoro, sa pamamagitan ni Abdulraof A. Macacua, bilang bahagi ng mga hakbang upang gawing mas episyente at sustainable ang operasyon ng pamahalaan sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020723
Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238