𝟐𝟓𝟎 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐀𝐆𝐒 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐎𝐕𝐏-𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐒

Naghatid ng inspirasyon at konkretong suporta sa mga mag-aaral ang Office of the Vice President – BARMM Satellite Office sa isinagawang pamamahagi ng school bags sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng programang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign noong Pebrero 21, 2026.

Bumisita ang OVP-BARMM Satellite Office sa Madrasah Ayada Al-Arabie Al-Islamie at Madrasah Al-Iman Al-Islamiah upang ipamahagi ang humigit-kumulang 250 school bags na may kasamang mga gamit pang-eskwela para sa mga mag-aaral ng dalawang madrasah.

Ang naturang inisyatiba ay naglalayong suportahan ang mga kabataang Bangsamoro sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pag-aaral at paghahanda sa kanilang kinabukasan.

Malaki ang naging pasasalamat at kagalakan ng mga mag-aaral na tumanggap ng mga school bags at school supplies, na ayon sa kanila ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa silang magsikap sa kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign, patuloy na pinapalakas ng OVP-BARMM ang adhikain na maitaguyod ang edukasyon at mabigyan ng pag-asa ang kabataang Bangsamoro, upang mas lalo silang mangarap at maabot ang kanilang mga mithiin sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020723
Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238