𝐃𝐀𝐑𝐔𝐋-πˆπ…π“π€β€™: π™π€πŠπ€π“ 𝐀𝐋-π…πˆπ“π‘ πŒπ€π€π€π‘πˆππ† ππ€π˜π€π‘π€π 𝐒𝐀 π’π€π‹π€ππˆ πŠπ”ππ† πŒπ€π’ ππ€πŠπˆπŠπˆππ€ππ€ππ†π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π‡πˆπ‡πˆπ‘π€π

Nilinaw ng Bangsamoro Darul-Ifta’ na pinahihintulutan ang pagbabayad ng Zakat al-Fitr sa anyo ng salapi kung ito ay mas makabubuti sa mga mahihirap na tatanggap, kasunod ng pananaw ng ilang kilalang iskolar sa Islam.

Ayon sa pahayag ng Darul-Ifta’, bagama’t ang pangunahing alituntunin ng Zakat al-Fitr ay ang pagbibigay ng pagkainβ€”partikular ang 2.5 kilo ng bigas bilang katumbas ng isang Saa’—maaari ring magbigay ng salapi bilang alternatibo. Ang halagang ibibigay ay dapat katumbas ng presyo ng 2.5 kilo ng bigas batay sa uri ng bigas na karaniwang kinakain ng nagbibigay ng zakat.

Ipinunto ng Darul-Ifta’ na ang ganitong opsyon ay sinusuportahan ng ilang mga kilalang iskolar tulad nina Abu Hanifa, Umar ibn Abdulaziz, Al-Bukhari, at Ibn Taymiyyah, na nagsasabing maaaring mas maging kapaki-pakinabang sa mga nangangailangan ang pagbibigay ng zakat sa anyong salapi.

Binigyang-diin din ng Bangsamoro Darul-Ifta’ na ang Zakat al-Fitr ay isang obligasyon para sa bawat Muslimβ€”lalaki man o babae, bata man o matandaβ€”at dapat itong maibigay bago isagawa ang Eid al-Fitr prayer upang matupad ang layunin nitong linisin ang nag-ayuno at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020719
Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229