𝐐𝐔𝐑’𝐀𝐍 π‘π„π€πƒπˆππ† 𝐀𝐓 𝐀𝐃𝐇𝐀𝐍 π‚πŽπŒππ„π“πˆπ“πˆπŽπ ππˆππ€π“πˆππ†πŠπ€πƒ 𝐀𝐍𝐆 ππ€ππ€ππ€πŒππ€π‹π€π“π€π˜π€ 𝐒𝐀 πŒπ€π†π”πˆππƒπ€ππ€πŽ 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa ikalawang batch ng Qur’an Reading and Call of Adhan Competition na ginanap noong Marso 12, 2026, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagbigkas ng Banal na Qur’an at sa pag-awit ng Adhanβ€”isang mahalagang bahagi ng tradisyong Islamiko.

Ang kompetisyon ay nagsilbing plataporma upang higit na palalimin ang pagmamahal at pagpapahalaga ng komunidad sa Qur’an at sa mga gawaing pang-ispiritwal. Naging tampok din sa programa ang pagbibigay ng mga gantimpala sa mga natatanging kalahok, kabilang ang Free Umrah package, gayundin ang mga premyong bigas at food packs.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga tagapag-organisa sa mga hurado, tagasuporta, at mga dumalo sa aktibidad na nagbigay ng sigla at suporta sa nasabing pagtitipon.

Ang matagumpay na programa ay naisakatuparan sa tulong ng suporta ng mga lider ng lalawigan, kabilang sina Datu Ali M. Midtimbang Sr., Gobernador ng Maguindanao del Sur, Hisham S. Nando, Bise Gobernador ng lalawigan, at Datu Esmael G. Mangudadatu, na kinilalang patuloy na sumusuporta sa mga programang nagpapalakas sa pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020719
Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229