Iginiit ni Jonvic Remulla, Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na nagbubunga na ng positibong resulta ang kasalukuyang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Ayon sa kalihim, isa sa mga malinaw na indikasyon ng paghina ng operasyon ng illegal drug trade ay ang pagtaas o halos pagdoble ng presyo ng shabu sa merkado. Aniya, ipinapakita nito na humihina ang supply ng ipinagbabawal na droga sa bansa bunga ng pinaigting na law enforcement operations.
Dagdag pa ni Remulla na kasabay nito ay nakapagtala rin ng pagbaba sa bilang ng krimen at paggamit ng droga, na kanyang iniuugnay sa mga estratehiya at hakbang ng pamahalaan sa pagpigil sa pagkalat ng illegal drugs.
Binigyang-diin ng kalihim na patuloy ang pagpapatupad ng mga programa at operasyon ng gobyerno upang higit pang mapahina ang drug trade at mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa bansa.








Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229
Leave a Reply