Naging makabuluhan ang ikatlong batch ng Barakah nu Ramadhan Call of Adhan and Qurβan Reading Competition na ginanap noong Marso 13, 2026, kung saan muling ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kahusayan sa pagbigkas ng Banal na Qurβan at sa pagtawag ng Adhan.
Sa nasabing aktibidad, umalingawngaw ang tinig ng mga reciter na nagbigay-buhay sa mga talata ng Qurβan, na nagsilbing paalala sa komunidad tungkol sa kahalagahan ng pananampalataya at pagninilay sa nalalabing mga araw ng banal na buwan ng Ramadhan. Ang programa ay hindi lamang kompetisyon kundi isang pagtitipon na naglalayong palalimin ang ugnayan ng komunidad sa mga aral ng Islam.
Binigyang-parangal din ang mga natatanging kalahok kung saan ilan sa kanila ang nagkamit ng mga gantimpala kabilang ang Free Umrah package, gayundin ang mga premyong bigas at food packs.
Ang matagumpay na pagtitipon ay naisakatuparan sa tulong ng suporta ng mga lider ng Maguindanao del Sur, kabilang sina Datu Ali M. Midtimbang Sr., Gobernador ng lalawigan, Hisham S. Nando, Bise Gobernador, at Datu Esmael G. Mangudadatu, na patuloy na sumusuporta sa mga programang nagtataguyod ng pananampalataya, pagkakaisa, at paghubog ng komunidad.








Views Today : 117
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2233
Views This Year : 18095
Total views : 30230
Leave a Reply