Matagumpay na naisagawa ang huling linggo ng Weekly Ramadhan Symposium ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat noong Marso 19, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadhan.
Pinangunahan ang programa nina Maungangen Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibang nagpapalaganap ng kaalaman sa Islam sa kanilang nasasakupan.
Sa nasabing symposium, ibinahagi ng mga Muhadir ang mahahalagang aral hinggil sa pananampalataya at ang tunay na diwa ng Ramadhan—isang panahon ng pagpapakumbaba, disiplina, at pagpapalalim ng ugnayan kay Allah SWT sa pamamagitan ng pag-aayuno, panalangin, at pagbabasa ng Qur’an.
Binigyang-diin din sa programa na ang pagdalo sa ganitong pagtitipon ay hindi lamang pakikinig kundi isang anyo ng ibadah—isang paghahanap ng awa at paghahanda para sa Akhirah.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na higit pang mapalalim ang pang-unawa ng mamamayan sa kahalagahan ng Ramadhan at hikayatin ang patuloy na pagsasabuhay ng mga gawaing tulad ng Salah, Tahajjud, at pagbibigay ng Sadaqah kahit matapos ang banal na buwan.








Views Today : 111
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 643
Views Last 30 days : 3601
Views This Month : 2227
Views This Year : 18089
Total views : 30224
Leave a Reply