Nagpahayag ng pasasalamat ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Ligawasan matapos nilang matanggap ang Ramadhan Bonus bago matapos ang banal na buwan ng Ramadan.
Ayon sa mga kawani, ang nasabing biyaya ay sumasalamin sa pagpapahalaga at malasakit ng pamunuan, gayundin sa patuloy na pagkakaisa sa paglilingkod sa mamamayan.
Ang inisyatibong ito ay pinangunahan nina Ligawasan Mayor Ismael ‘Boy Hashim’ S. Mama at Municipal Administrator Omolhayr M. Talembo, na naglalayong magbigay-suporta at inspirasyon sa kanilang mga empleyado sa gitna ng panahon ng pag-aayuno at espiritwal na pagninilay.
Binigyang-diin din na ang pagbibigay ng Ramadhan Bonus ay paalala ng kahalagahan ng barakah o biyaya, at sadaqah o pagbabahagi, na mahalagang bahagi ng pananampalatayang Islam lalo na sa buwan ng Ramadan.
Samantala, umaasa ang pamunuan na magsisilbing inspirasyon ito upang lalo pang pagbutihin ng mga empleyado ang kanilang serbisyo para sa kapakanan ng sambayanan.








Views Today : 111
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 643
Views Last 30 days : 3601
Views This Month : 2227
Views This Year : 18089
Total views : 30224
Leave a Reply