โ€œ๐€๐ฅ๐ข๐ ๐ง๐ž๐ ๐‹๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ,โ€ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž-๐‹๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Binigyang-diin ang kahalagahan ng โ€œaligned leadershipโ€ o pagkakahanay ng pamumuno sa isinagawang Bangsamoro Government Executiveโ€“Legislative Forum 2026 sa Crowne Plaza Galleria Manila, kung saan nagtipon ang mga lider mula sa ehekutibo at lehislatura ng Bangsamoro.

Isa si Member of Parliament Atty. Sha Elijah Dumama-Alba sa nanguna sa pagbibigay-linaw sa konsepto ng aligned leadership. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang kahalagaan ng iisang direksyon ng pamumuno upang mas mapabilis at maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Ipinaliwanag ni MP Dumama-Alba na kapag nagkakaisa ang mga lider sa kanilang mga layunin at hakbang, mas nagiging maayos ang pagpapatupad ng mga programa at mas natutugunan ang pangangailangan ng komunidad.

Sa naturang forum, naging bukas ang talakayan sa mga pangunahing isyu, prayoridad, at hamon na kinahaharap ng rehiyon. Tinalakay rin ang mga konkretong hakbang upang higit pang mapatatag ang pamamahala at maisulong ang inklusibong kaunlaran sa Bangsamoro.

Ipinakita ng pagtitipon ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang Bangsamoro na pag-isahin ang mga institusyon nito bilang iisang puwersa tungo sa mas maayos at responsableng pamamahala para sa mamamayang Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

โ€œ

Our Visitor

020711
Views Today : 106
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 638
Views Last 30 days : 3596
Views This Month : 2222
Views This Year : 18084
Total views : 30219