₱𝟏𝐌 𝐑𝐄𝐒𝐄𝐀𝐑𝐂𝐇 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐍𝐆 𝐁𝐘𝐂 𝐒𝐀 𝟓 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈𝐊

Nagkaloob ng kabuuang ₱1 milyon na research grants ang Bangsamoro Youth Commission sa limang piling kabataang mananaliksik sa ginanap na Ideation Impact Challenge (IIC) 2026 awarding ceremony noong Marso 25 sa Cotabato City.

Bawat isa sa limang grantees ay tumanggap ng ₱200,000 na pondo upang maisakatuparan ang kanilang mga policy research initiatives na nakatuon sa pagtugon sa mga suliranin sa komunidad at lipunan.

Ayon kay Nasserudin Dunding, kinilala ang mga napiling pananaliksik dahil sa potensyal nitong makapaghatid ng makabuluhang pagbabago at solusyon sa mga napapanahong isyu.

Matapos ang awarding ceremony, lalahok ang mga benepisyaryo sa isang Research Training Workshop na gaganapin sa Marso 26–27, 2026. Layunin nitong palakasin ang kanilang kakayahan sa pananaliksik at mabigyan sila ng sapat na kaalaman at gabay para sa matagumpay na implementasyon ng kanilang mga proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020696
Views Today : 87
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 619
Views Last 30 days : 3577
Views This Month : 2203
Views This Year : 18065
Total views : 30200