Matagumpay na isinagawa ng Ministry of Social Services and Development Pualas Unit Office ang moving-up ceremony para sa mga batang nagtapos sa early learning program noong Marso 23, 2026 sa Maligo Gymnasium sa bayan ng Pualas.
Kabuuang 117 batang mag-aaral mula sa 29 Child Development Centers (CDCs) ang nakapagtapos sa kanilang unang yugto ng edukasyon sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.
Isinagawa ang programa sa temang “Munting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan,” na naglalayong tiyakin ang dekalidad na edukasyon para sa mga bata bilang pundasyon ng kanilang holistic development.
Dumalo sa naturang seremonya ang mga magulang, Child Development Workers (CDWs), at mga opisyal ng barangay na sumuporta sa tagumpay ng mga batang nagtapos.







Views Today : 86
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3576
Views This Month : 2202
Views This Year : 18064
Total views : 30199
Leave a Reply