Sa isinagawang Conduct of Dialogue with Religious Leaders in Mainland Provinces noong Marso 24, 2026βna dinaluhan ng mga Ulama, Imams, at Ustadzβnaglatag ng matinding apela si MBHTE Director General of Madaris Education Prof. Tahir G. Nalg hinggil sa kinabukasan ng Madaris education sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kanyang tinalakay, binalikan ni Nalg ang kasaysayan ng Madaris education mula pa noong panahon pagkatapos ng Philippine Independence, kung saan aniya ay halos walang pagkilala ang pamahalaan dito at minsan pa ngang maling naiuugnay sa negatibong pananaw. Gayunpaman, nagbago ang sitwasyon sa pagbuo ng BARMM kung saan ang Madaris education ay naiangat bilang kapantay ng basic, higher, at technical education sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education, alinsunod sa Bangsamoro Organic Law.
Binigyang-diin niya na ang apat na subsectors ng edukasyon sa BangsamoroβBasic, Higher, Technical, at Madarisβay pawang kinikilala bilang Directorates General, na sumasalamin sa prinsipyo na ang edukasyon sa Bangsamoro ay dapat tumugon sa pangangailangan, mithiin, at adhikain ng mamamayan.
Ilan sa mga programang ipinatupad upang higit pang palakasin ang Islamic education ay ang ISAL program sa public schools na may halos 6,000 Ulama teachers sa buong rehiyon, pagtatatag ng public madrasah, pagbibigay ng subsidy sa private madrasah, pagpapalakas ng traditional madrasah sa pamamagitan ng Permit to Operate (PTO), integrasyon ng ISAL teachers sa mainstream education sa pamamagitan ng licensure examination, at patuloy na professional development at trainings para sa mga guro.
Ayon kay Nalg, ang mga hakbang na ito ay malinaw na patunay na ang Madaris education ay umangat at nakamit ang mas mataas na katayuan sa ilalim ng BARMM.
Gayunman, nagpahayag siya ng matinding pangamba sa panukalang BTA Bill No. 47 na naglalayong hatiin ang MBHTE. Sa ilalim ng panukala, ang Directorate General for Madaris Education ay maaaring ibaba bilang isang opisina lamang na tatawaging Bangsamoro Madaris Education Officeβisang hakbang na aniyaβy maaaring magbalik sa Madaris education sa dati nitong mababang estado.
βKung mangyayari ito, ang pagbagsak ng Madaris ay maituturing na legacy ng kasalukuyang pamahalaan,β babala ni Nalg.
Dahil dito, nanawagan ang sektor sa Office of the Deputy Chief Minister for Mainland na tumulong sa pagpaparating ng kanilang apela sa Chief Minister upang muling pag-aralan ang panukala.
Sa halip na paghahati, iminungkahi nila ang pagpapanatili ng kasalukuyang istruktura ng MBHTE at ang pagpapalakas ng mga subsectors sa pamamagitan ng decentralization at pagbibigay ng fiscal autonomy, upang mas mapaigting ang operasyon at mapanatili ang mga nakamit na reporma sa edukasyon.
Binigyang-diin ng mga dumalo na ang usapin ng Madaris education ay hindi lamang teknikal na reporma, kundi isang mahalagang bahagi ng identidad, pananampalataya, at kinabukasan ng Bangsamoro.








Views Today : 73
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 605
Views Last 30 days : 3563
Views This Month : 2189
Views This Year : 18051
Total views : 30186
Leave a Reply