Mariing kinondena ni Vice Governor ng Maguindanao del Sur Hisham S. Nando ang naganap na ambush sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak na ikinasawi ng limang miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at ikinasugat ng tatlo pang iba.
Sa kanilang pahayag, nagpaabot ang tanggapan ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing pulis, na kinilalang nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa lalawigan.
Tinawag din ng tanggapan ang insidente bilang isang karumal-dumal at duwag na pag-atake na walang puwang sa lipunan. Nanawagan ito sa mga awtoridad na agad na mapanagot ang mga salarin at hinikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa imbestigasyon.








Views Today : 53
Views Yesterday : 49
Views Last 7 days : 937
Views Last 30 days : 3574
Views This Month : 937
Views This Year : 23516
Total views : 35651
Leave a Reply