Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng edukasyon sa Bangsamoro ang matagumpay na turnover ng bagong dalawang palapag, apat na silid-aralan na gusali ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa Ummat National High School na matatagpuan sa Brgy. Monkay, Simunul, Tawi-Tawi.
Pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal ang seremonya ng turnover, kasama ang mga guro, mag-aaral, at miyembro ng komunidad na nagdiwang sa bagong pasilidad na inaasahang magpapabuti sa kalidad ng pagkatuto sa paaralan.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng GAAB 2024 na may kabuuang halagang ₱12,843,284.00, at layong magbigay ng mas ligtas, maayos, at angkop na learning environment para sa mga mag-aaral at guro.
Dumalo rin sa aktibidad sina Director General for Basic Education Abdullah Salik Jr., Schools Division Superintendent Lermalyn J. Sangogot, at iba pang opisyal na sumusuporta sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa rehiyon.
Ayon sa MBHTE, ang proyektong ito ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon na mapalawak ang access sa dekalidad na edukasyon at matiyak ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Bangsamoro learner.








Views Today : 77
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 609
Views Last 30 days : 3567
Views This Month : 2193
Views This Year : 18055
Total views : 30190
Leave a Reply