Mas pinalakas ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa sakuna matapos pormal na ipamahagi ang 15 bagong rescue vehicles sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.
Pinangunahan ang turnover ceremony ni Datu Ali M. Midtimbang Sr., Provincial Governor, kasama si Hisham S. Nando, Provincial Vice Governor; Nur-Ali Midtimbang, Provincial Administrator; at si Nathaniel Midtimbang, Mayor at LMP President ng lalawigan.
Layunin ng inisyatibong ito na tiyakin na ang bawat lokal na pamahalaan ay may sapat na kakayahan at kagamitan upang makapagbigay ng agarang tulong sa kanilang mga nasasakupan sa panahon ng kalamidad, emerhensya, at iba pang krisis.
Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na programa upang palakasin ang disaster preparedness at resiliency ng mga komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng modernong rescue vehicles, inaasahang mas magiging mabilis, organisado, at epektibo ang pagtugon sa anumang sakuna.
Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ng administrasyon na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at tiyakin ang kaligtasan ng bawat komunidad sa buong Maguindanao del Sur.








Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831
Leave a Reply