Umaabot sa mahigit ₱50 milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Sitio Turugan, Barangay Dinaig Proper, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ang operasyon ng lokal na kapulisan katuwang ang Philippine National Police sa pamamagitan ng Police Provincial Mobile Force Company, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bureau of Customs mula sa Davao.
Ayon sa mga awtoridad, ang nasabing operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at illegal trade sa rehiyon. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang mga sangkot sa operasyon at ang pinagmulan ng mga kontrabando.
Ipinahayag din ng mga awtoridad ang kanilang paninindigan na patuloy na paiigtingin ang mga hakbang laban sa iligal na kalakalan upang maprotektahan ang ekonomiya at masiguro ang pagpapatupad ng batas.








Views Today : 25
Views Yesterday : 82
Views Last 7 days : 943
Views Last 30 days : 3666
Views This Month : 860
Views This Year : 23439
Total views : 35574
Leave a Reply