Naglabas ng pahayag si MP Atty. Lanang bilang tugon sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya kaugnay ng naging pahayag ni Interim Chief MInister Abdulraof Macacua, kung saan inilahad umano ang sama ng loob at paghahambing sa kanya sa isang “munafik.”
Sa kanyang pahayag, humingi ng paumanhin si Atty. Lanang sa Chief Minister at sa mga Bangsamoro na naapektuhan ng kanyang mga opinyon at paninindigan sa social media. Gayunpaman, iginiit niya na ang pagpapahayag ng saloobin ay isang karapatang kinikilala ng Konstitusyon, at bahagi ng demokratikong diskurso.
Ipinahayag din niya ang paggalang sa kanyang mga kritiko, kabilang ang mga bumabatikos sa kanya online, at sinabi na nakikita niya ang mga negatibong komento bilang pagkakataon upang matuto at mapabuti ang sarili.
Sa kanyang panghuling mensahe, nanawagan si Lanang sa publiko na ituon ang pansin sa mas mahahalagang usapin—ang mga prinsipyo, adbokasiya, at ang mas malalim na layunin ng pakikibaka—imbes na personal na alitan.






Views Today : 2
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 755
Views Last 30 days : 3587
Views This Month : 1814
Views This Year : 17676
Total views : 29811
Leave a Reply